summer sunshine

Ask me anything   i'm a frustrated writer. activist in mind. good listener. thought mover. good storyteller. keen observer. secret keeper. chismosa. suplada. mataray. sweet. caring. good friend. well-loved by friends. malakas tumawa. iyakin

Minsan may isang liham

Uso ang mga puso. Uso ang pag-ibig. Nais kong makiuso, ngunit wala, hindi, hindi napapanahon.

Sa huling araw ng taon, 2013, isang mensahe ang aking natanggap. Hindi ko alam kung ito ba ay CONFESSION, ngunit parang ganoon na nga.

Yung totoo, ako ay tuwang tuwa. May halo marahil na kilig. Kaw ba naman ang makatanggap ng mensahe na hindi mo inaasahan kung saan nagmula, lalo’t higit hindi mo inaasahan ang nilalaman.

Ngunit may isang bagay na hindi ko maaaring gawin. Hindi ako maaaring sumulat ng mensahe patungo sa nagpadala. Bagay na maaaring hindi magkumpirma ng message na nakasulat.

Gayunpaman, bagamat hindi ko ito nagawang replyan, akala ko magiiba ang aming samahan. Ngunit hindi. Nanatiling normal ang lahat.

Salamat. Ito sana ang laman ng mensahe na magmumula sa akin.

— 7 months ago
Kwento ng katotohanan na ayaw kong paniwalaan.

Namiss ko ang magkwento. Naipon na ata lahat ng kwento sa isang sulok ng isip ko.

Ilang buwan na din ang lumipas, ilang araw, oras at minuto.
Sa mga araw na iyon, minsan gusto ko na sana hindi ko na lang nalaman ang mga bagay bagay. Mga bagay o katotohanan na para sakin ay napakahirap tanggapin. Nais kong i-deny ang mga ito. Mga hindi kapanipaniwala, mga bagay na sana nga ay nabaon na lang sa lupa.gayunpaman, isa  lamang ang tiyak, at ito ay ang katotohanan na sa kabilang banda, may mga taong nagtitiwala sa akin. Mga taong nais akong pagsabihan ng mga sikreto na kapag nabulgar ay magkapagpapabago ng kanilang buhay.

Oo, may kinalaman sa mga tao ang aking kurso.  Nais ko sanang intindihin ang lahat ngunit dumarating ako sa punto na “ang hirap”.
Una, mahirap dahil kaibigan mo ito. Sabi nga sa isang perspektibo ng pagbuo ng teorya, dapat ay maging “distant” ang iyong relasyon sa mga tao na iyong tinatanong. Nang malaman ko ang bagay na hindi ko nais paniwalaan, wala akong naging tanong. Tinanggap ko ang aking mga napakinig. Ngunit kalaunan, nadatnan ko ang sarili ko na tulala, hindi mapakali. Sabay sabi, “Alam na nila ang tama at mali”
Pangalawa, kung bakit ako nahihirapan ay dahil sa, hindi ko ito inaasahan dahil wala ito sa konteksto ng aking kaibigan. Sobrang “nganga” ang sinapit ko. 

Hiling ko ngayon ay hindi na into maulit. Ayaw ko na. Sana ganun din siya/sila.

— 7 months ago
tatak

Unang linggo ng taon 2014 sa aming boarding house. unang martes. Unang araw ng pasukan. January 7.

Isa sa mga araw na hinding hindi ko malilimutan para sa taong ito. Sabi ko, isasama ko to sa throwback ng aming susunod na Christmas party.

Ilang buwan na din ang lumipas, o masasabi ko na napakatagal na ng huling beses na nangyari ito.

Isang malakas na sigaw. Matang nagtatanong. Matang basa ng luha. Matang nagtataka. Matang nag-iisip. Matang nanghuhusga.

Sino nga ba?

Sa boarding house na tinitirhan ko sa elbi, may apat an kwarto. Hindi maiiwasan na nabubuo o nagkukulang ang laman ng bahay. Sa taong into, lahat ng kama ay may laman. Oo, may bago kaming housemate. Hindi ko sya kilala ng personal, maging ang aking mga kasama sa bahay, pwera na lang sa isa kong kasama sa bahay. Pareho sila ng kurso, minsang naging magkaklase, pero hindi sila close.

Mahabang kwento. Pero nung umagang iyon, alam namin na nuon lang nangyari uli ang bagay na iyon.

Thoughts:  Sana ginalingan niya kung paano niya ginawa ang bagay na yun. Respeto din sana bilang bago lang sya sa bahay. Respeto sa nakatatanda. At ang pagiging honest sa magulang. Huwag mandamay. Huwag magmataas.

— 8 months ago
I thought…UNTIL.

You think you know Durkheim until you met Montesquieu.
You think you know Weber until you met Montesquieu.
You think you know social facts until you met Montesquieu.
You think you know division of labor until you met Montesquieu.
I thought I know the meaning until sir explained it.

#MontesquieuAsThePrecursorOfSociology

— 8 months ago
31 Insanely Clever Remodeling Ideas For Your New Home →

This is oh so cute!
Things to consider when you plan building your dream house :-)

— 8 months ago
#kapagAKOnagingENGLISHteacher

Aaminin ko, kung magiging teacher ako, gusto kong maging ENGLISH MAJOR. Feeling ko kasi, ang dami pang hindi naituturo sa mga estudyante ngayon e. Pagnagpe-Facebook kasi ako, bukod sa madalas akong nagbabasa ng sari-saring articles online, random reader din ako ng Facebook posts ng mga friends ko sa fb. Stalker din ako minsan. Tambay din sa mga FB groups na kinabibilangan ko :) at dun ko napapansin na karamihan sa mga FB friends ko na HS students ay jejemon, in short, WRONG GRAMMAR. pero ayun, totoo nga.

Magaling daw kasi ako sa ENGLISH. I don’t want to claim it. Yung totoo, feeling ko, sa GRAMMAR lang talaga ako magaling. sa buong ENGLISH, naku HINDI. madami pa akong hindi alam na words :) 

Isa pa, GOOD PUBLIC SPEAKER daw ako. I feel it naman, somehow :) hihi.But i’m not into ORATION or DECLAMATION.  definitely not my thing. Gusto ko yung SPONTANEOUS. RANDOM. 

One time, i did an interview with the head of a certain department in the City of Calamba for my Urban Sociology class. sabi niya, gusto daw nia yung personality ko :) hihi. Natuwa naman ako. Napa-English talaga ako ng bonggang bongga dun. ang nakakatuwa pa, ilang UP graduates din ang ininterview ko :) it’s about establishing RAPPORT. na dapat hindi ka mahihiya kahit mas matanda sila sayo, o mas bata, mas nakaaangat o kahit sa lansangan nakatira. 

so balik tayo sa “pangarap” kong maging English Teacher :) sa University kasi, meron akong limang courses from the Arts and Humanities domain. sa sobrang dami naming ginawa, nainspire ako na sana ganun din yung ginagawa ng mga HS students, na kahit HS pa lang sila, alam na nila yung mga ganung bagay. para sakin kasi, wala naman talagang FORMULApara maging magaling sa ENGLISH e. 

Yung ENG1 ko na subect, more on grammar talaga yun.ok naman. mababa yung grade ko, kasi para sakin, bago lahat. yung tipong, NEVER HEARD at NEVER ENCOUNTER, as in. Like, “san to nanggaling?” at HINDI TO TINURO NUNG HIGHSCHOOL. ayun, so from experience, yung mga activities namin yung gusto kong ipagawa sa aking FUTURE STUDENTS :)

Yung ENG2 ko na subect, naku PANIRA YUN NG G.W.A. as $@#&*%. so ayun, yun ang unang subect na nakakuha ako ng pinakamababang grade. at yun ang una kong iniyakan. yun din yung halos lumuhod ako sa harap ng prof ko. But i really like the way my recit prof teach! Iba e, kahit dumugo ang ilong ko sa pag-iisip para sa POSITION PAPER, kebs lang :) mahirap lang talaga na magpa-approve ng topic para sa LRP. huhu. nakailang rejection ako dun, pero hindi ako sumuko kahit na dapat e magda-DROP na ako :) at nasurvive ko naman. so pag naging English teacher ako, papasulatin ko sila ng papasulatin. GANTIHAN BA :) hohoho. pero para matuto din sila on HOW TO WRITE A WORTH READING KIND OF PAPER. that writing an ESSAY is far different on writing a SHORT STORY.

Yung SPCM1 ko naman na subect, yun yung isa sa mga naenjoy ko talaga :) yun yung dahilan kung bakit ako nakatungtong sa pamosong DIOSCORO L. UMALI AUDITORIUM. Pag naging speech teacher naman ko, i won’t require them to MEMORIZE A SPEECH na HINDI NAMAN KANILA. because it doesn’t make any SENSE! not at all. Nung HS kasi kame, pinapamemorize kami ng speeches, este ORATORICAL PIECE or DECLAMATION PIECE na sobrang haba. Like, “ang hirap naman”, “hindi ko pa saulo”. ayun, kasi naisip ko, pano mo nga naman madedeliver yung piece na hindi mo naman alam yung feelings ng nagsulat. HOW CAN YOU BE A GOOD SPEAKER IF YOU DO NOT KNOW HOW TO BE SPONTANEOUS. that’s the point, sa SPCM class kasi namin, ikaw yung gagawa ng sarili mong speech, tapos yung outline, of course, may approvalpa yung topic. pero ok naman. 

yung HUM2 ko naman, aysusginuo. sakit sa bangs. ang hassle! bilang ARTS ang focus nito, ayun, nariyan na na kelangan mong idrawing ang katabi mo :) gumawa ng ganito at ng ganyan. kumanta na DAPAT NASA TONO. PERFORMANCE LEVEL DAPAT. gumawa ng informative video presentation :) madaming ideas, kaso mahirap gawin! lalo na, mahirap mag-edit. so kung magiging teacher ako, gusto kong gumawa sila ng video presentation na mala-KAPUSO MO, JESSICA SOHO.

at ang huli kong Humanities Course ay ang HUM1: Literature, Man and Society. ito yung medyo nahihirapan ako. kaya ko namang mag-appreciate ng short stories, novel and any forms of literature but DON’T EXPECT ME TO WRITE. as in! ang magsulat ng short stories ay hindi ko po kaya kapag wala akong WRITER’S MOOD. this time, i need to remind myself first that what I am going to write is a SHORT STORY and not an ESSAY. nung elementary ako, HIRAP NA HIRAP akong magsulat ng essay, but now, since sociology major ako, i can finally say that i almost PERFECTED the craft of writing an ESSAY, wag lang pong fiction. so my plan, kapag naging teacher ako ay … HINDI KO SILA PASUSULATIN NG JOURNALS. i know how HS students hate it :) dumaan din kasi ako sa ganyan. instead, i will let them read and appreciate literature. hindi naman yung novel agad yung babasahin nila, una e yung short stories lang talaga. then forum on what were the questions they have on their mind after reading it, kasi yun yung ginagawa namin sa HUM1. at ayun, effective naman sya :) 

so by that, siguro naman madami na silang matututunan, kasi ako, nung HS ako, konti lang yung natutunan ko mula sa teachers ko. kasi, eto walang halong biro, MAS MAGALING PA AKO SA KANILA SA ENGLISH. sad fact: hindi kasi sila competitive as compared on how the English teachers nowadays teach their students. and Yes, siguro nga hindi na updated sina Ma’am. hindi na nga siguro sila nagbabasa. hindi rin siguro nagsusulat. kung ano ang routine, yun na. ang daming bago sa mundo, sa paligid, sana mapansin nila…

#kapagAKOnagingENGLISHteacher

— 9 months ago

First Part :) 

— 9 months ago